Sunday, June 28, 2009

My 2nd INDIO HAMON Winning Photo

Haaaayyy... kakapagod! Maaga nga kaming pinauwi dahil nga transport stike pero 6pm na ako nakarating sa bahay....

Anyways, while I was making a "silip" sa silid ng INDIOS(sa flickr po), nabigla na lang ako nang makita ko ang pangalan ko na nakarugtong sa HAMON 09 #38 ng INDIOS. Sa kasawiang palad.... Ako ang nanalo! Pangalawang panalo ko na po sa HAMON. Minsa lang po ako sumasali... Eto po ang entry ko sa HAMONG: DON'T TOUCH MY BIRDIE.....

The White Peacock

Maraming salamat po sa bumoto dito sa entry ko....

Ako po'y nahihirapan nung kunan ko ang hayop na iyan. Mahirap pong matyempuhan ang pagharap niya sa camera. Pinoposisyon ko po kasi ang camera ko kung saan po na hindi makikita ang cyclone wire na naging kulungan niya. pangalawang beses ko po siyang binalikbalikan kasi po sa tuwing nakaready na po ako, likod niya agad ang pinapaharap niya sa lente ko. Ang sakit pa naman ng kagat ng araw.....

Wala lang po... share ko lang... hehehehehhe...

No comments:

My Flickriver

© acubepixel © - View my most interesting photos on Flickriver